Isang Israeli, arestado matapos magnakaw ng mga armas habang nagpapanggap bilang sundalo

Isang Israeli, arestado matapos magnakaw ng mga armas habang nagpapanggap bilang sundalo

ARESTADO ang isang Israeli national matapos nahuling nagpapanggap na sundalo ngunit nagnanakaw pala ng armas sa kasagsagan ng giyera sa kanilang bansa laban sa mga Hamas militant group.

Kinilala ang suspek bilang si Roi Yifrach, 35 taong gulang.

Ayon sa ulat, nagpakilala si Yifrach bilang isang combat soldier mula sa mga elite anti-terrorism units, isang bomb dispersal expert, at isang miyembro ng Shin Bet Internal Security Service.

Nasabat sa suspek ang malalaking halaga ng mga armas, granada, magazine, walkie-talkie, drone, uniporme, at iba pang kagamitang militar matapos itong maaresto ng mga kapulisan.

Maliban kay Yifrach, may apat pang tao kabilang ang isang pulis ang arestado kaugnay sa pagnanakaw ng armas.

 

Follow SMNI News on Rumble

Follow SMNI NEWS in Twitter