Israeli health experts may rekomendasyon para sa vaccination program ng bansa

Israeli health experts may rekomendasyon para sa vaccination program ng bansa

IBINAHAGI na ng mga Israeli medical health experts ang ilan sa kanilang rekomendasyon para sa pagpapabuti ng vaccination program ng Pilipinas.

Halos magkapareho lang ang mga ginawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas at Israel.

Ito ang sinabi ni Dr. Dafna Segol, ang COVID-19 Control Center Senior Strategic Planner ng Israeli Ministry of Health sa isang press briefing kasama ang Interagency Task Force Against COVID-19 (IATF).

Ani Segol, ginawa rin ng kanilang bansa ang pagdagdag ng mga pasilidad at mga kama para sa mga COVID-19 patients.

Sa pamamagitan rin ng mga medical staff at lokal na pamahalaan ay nagpakalat din sila ng mga impormasyon patungkol sa karagdagang proteksyon na maitutulong ng COVID-19 vaccines.

Pero aniya pagdating sa suplay ng bakuna ay pinagpala ang Israel kaysa sa Pilipinas.

“Lot of actions taken in the Philippines is similar to what we had few months ago…in Israel there was just a great privilege to get a vaccine that’s our main strategy,” pahayag ni Segol.

Naging isa sa mga hamon rin ng ating bansa ani Segol ay ang pagiging archipelagic state o binubuo ng maraming pulo kung kaya’t hindi lahat ng mga naging estratehiya nila sa Israel ay maaaring i-apply sa bansa.

“The challenges that Philippines is facing is enormous in terms of geographical situation. We have many lessons that we have learned in Israel but obviously not all can be implemented,” aniya pa.

Saad naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje isa sa mga mahusay na pamaraan na ibinahagi ng mga Israeli experts ay kung paano hawakan ang mga sensitibong bakuna tulad ng Pfizer.

“They have improvised how to better improve the transport of the Pfizer vaccines. They have innovated and they are willing to share that innovation,” ayon kay Cabotaje.

“One of the best practice that they have shared with us is the handling of the delicate vaccines,” aniya pa.

Dagdag ni Cabotaje isa rin sa kanilang natutunan mula sa mga dayuhang eksperto ay ang pag-a-advance ng plano bago pa bumili ng mga bakuna.

 “They prepared in advance, that is one lesson that we need to learn. They already decided on what vaccines to get they have already planned several months in advance how many syringes, needles they got it even before they got the vaccines,” dagdag ni Cabotaje.

Mayroon namang mga estratehiya ang Israel ani Cabotaje na ginagawa na ng bansa tulad ng pagkakaroon ng mobile at fix vaccination sites.

Sa naging pagpulong ng Israeli health expert kasama ang COVID-19 task force, iminungkahi nito ang paggawa ng bansa ng centralized vaccine storage hub na parehong para sa mga urbanisado at malalayong lugar ng Pilipinas.

Ibinahagi rin ng mga dayuhang eksperto kung paano pa mapapabuti ang data management system ng bansa.

Nagpahayag naman ng pagkamangha ang Israeli delegation sa mga vaccination site at operation ng bansa maging sa ating cold storage facilities.

“I was very impressed to the level of professionalism and the knowledge of the right way to treat the vaccine shots such as Pfizer and so other vaccines. So, I am very impressed with the level how the vaccines are handled. You are in a good place with a very high level of professional,” ayon pa kay Dr. Adam Segal, logistics and operations manager, Salomon Levid & Elstein Ltd.

Matatandaang ipinadala ng Israeli government sina Dr. Adam Segal, Dr. Avraham Ben-Zaken, at Dr. Dafna Segol upang tulungan mapabuti ang vaccination program ng bansa, bilang patunay na rin sa magandang ugnayan o bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

SMNI NEWS