Tampok sa Time ang tagumpay ng “K-Pop Demon Hunters” matapos pinarangalan bilang Breakthrough of the Year.
Ayon sa magazine, wala pang animated film na naging ganito kalawak ang impluwensya simula noong Frozen taong 2013.
Matatandaan na noong Agosto 27, inanunsiyo ng Netflix na ang K-Pop Demon Hunters ang naging pinakamalaking pelikula sa kanilang platform dahil umabot na ng 236 milyong views nito.
