Kaanak ng mga nawawalang sabungero, nawawalan na ng pag-asa matapos umatras ang ibang complainant sa kaso

Kaanak ng mga nawawalang sabungero, nawawalan na ng pag-asa matapos umatras ang ibang complainant sa kaso

NAWAWALAN na ng pag-asa ang ilang mga kaanak ng nawawalang sabungero matapos ang pag-atras o pag-urong ng ilang complainant sa kaso.

Tulad na lamang ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero na sina Mark Joseph Cortez Ignacio at Glenn Arzen.

Nagulat sila sa biglaang pag-atras ng ilang mga complainant kasabay ng pagkabahala na baka makakaapekto ito sa kaso.

Sa kapatid naman ng nawawalang si Michael Bautista, ayon kay Ryan, nabayaran aniya ang mga ito kaya umatras.

4 milyon aniya ang bawat ulo ayon sa kaniyang pinanghahawakang source.

Mga umatras na complainant sa kaso kaugnay sa mga nawawalang sabungero, nakipag-areglo—DOJ

Ang mga kaanak, dumulog ulit sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na mayroong affidavit desistance o pag-urong sa kaso sa mga nawawalang sabungero.

Maliban pa dito nagkakaroon aniya ng bayaran o settlement sa kaso.

At dahil sa pag-atras ng mga complainant sa Case No. 1 ayon kay Remulla, pinahihina nito ang iba pang kaso sa mga nawawalang sabungero.

Sinabi naman nito na ang pamilya Lasco ay inalok naman ng P20-M kapalit ng pag-urong nito para sa pagkawala ni Ricard Lasco na isang master agent.

Sa kabila nito ayon kay Remulla, maari pa namang ituloy ng gobyerno ang paghahain ng kaso.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble