BABALANSEHIN ngayon araw sa Senado kung napapanahon na nga bang palayasin sa Pilipinas ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) o hindi ngayong araw.
Pangungunahan ang nasabing pagdinig ni Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Ways and Means sa POGO kung saan titimbangin ang kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa.
Ito ay kasunod sa naunang imbestigasyon ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa kung saan napag-alaman na sangkot ang POGO sa mga nangyayaring kidnapping at iba pang nauugnay na krimen kamakailan.
Una nang naghayag ang iilang senador na kailangan nang palayasin ang POGO sa Pilipinas dahil idineklara na itong iligal sa China.
Nadadamay rin ang mga mararangal na nagnenegosyong Intsik sa bansa sa mga napapaulat na POGO related kidnappings ayon sa ibang mambabatas.
Mahaba-haba rin ang listahan na inaasahang dadalo sa pagdinig mamayang ala una y medya ng hapon.
Inaasahan na dadalo mamaya ang mga kinatawan ng Department of Finance, Bureau of International Recycling (BIR), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Darating din ang mga kinatawan ng POGO at kanilang third party auditor, Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP) at mga Chinese business groups.
Inaasahan na matapos ang pagdinig ay makapagbibigay na ng rekomendasyon ang Senado kung kailangan na nga bang pahintuin ang POGO operations sa bansa.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
China at Pilipinas, magtutulungan para labanan ang mga krimeng may kaugnayan sa POGO
Sen. Bong Go, hinikayat ang pamahalaan na suriing mabuti ang pagsasara ng POGO sa bansa
Krimen sa POGO operations, isang virus na makakaapekto sa peace and order ng bansa –Rep. Garin
