Kamara, on-target sa pagpasa sa 2023 proposed national budget

Kamara, on-target sa pagpasa sa 2023 proposed national budget

TIWALA si Appropriations Senior Vice-Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo na on-target ang Kamara sa pagpasa sa 2023 proposed national budget.

Ani Quimbo, nasa 14 out of 34 na ahensya na ang nakausap na ng Kongreso para sa kanilang pondo at may dalawang linggo pa sila para gawin ito.

Diin pa ng ekonomistang mambabatas na inaasahan nilang matatapos ang briefing sa lahat ng ahensya ngayong Setyembre 16 at maumpisahan ang plenary debates sa Setyembre 21.

Target ng Kamara na maipasa sa 3rd and final reading ang General Appropriations Bill at ipasa ito sa Senado ngayong October 1.

Ayon naman kay Appropriations Committee Chairman Zaldy Co, patuloy na magkakaisa ang komite sa paghimay sa pambansang pondo at makuha ang timeline na ipasa ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter