NAMAHAGI ng ayuda sa Mexico Pampanga ang Kapampangan vlogger.
Nagpaabot ng kaunting tulong ang isang sikat na vlogger na si Shiwen Lim para sa kaniyang mga kababayan sa Mexico, Pampanga na nasalanta ng Bagyong Egay.
Aniya kailangan ng kaniyang mga kababayan ang tulong at mas prayoridad nito ang mga remote areas tulad sa Balas, Mexico, Pampanga kung saan ito namahagi ng ayuda nitong Martes Agosto 1, 2023.
“Pinapriority po namin ngayon ‘yung mga remote areas talaga dito sa Mexico Pampanga para kahit papaano maabutan po namin po ng kahit kaunting tulong lang,” ayon kay Shiwen Lim, Vlogger/Businessman.
Mula, sa 43 barangay ng Mexico, nasa 10 barangay ang kanila nang naikutan upang maghatid ng tulong.
“As of now po naka, nasa 10 barangays na po ‘yung naiikutan namin,” dagdag ni Lim.
Maliban sa pamamahagi ng tulong tuwing may mga sakuna, adbokasiya rin ng nasabing vlogger ang mailayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo at pagbababad sa kanilang mga gadgets sa pamamagitan ng sports kung kaya’t siya rin ay namamahagi ng mga bola para sa mga ito.
“Ina-advocate po namin ngayon is pag walang sakuna is more on sa mga kabataan na ilayo sila sa mga masasamang bisyo or sa mga gadgets or what. We support the sports materials every barangay’s not just only here in Mexico, Pampanga but also dito sa lalawigan ng Pampanga,” ani Lim.
Dagdag pa nito, hindi niya ito ginagawa upang sumikat o ano pa mang dahilan at lalo na hindi para mamulitika.
“I am doing this, not for fame, not for anything. I’m doing this because I believe na dinala ako ng Panginoon dito para dito ako mas tumulong at mas i-priority ‘yung mga kababayan natin dito sa Mexico.
“Minsan napupulitika tayo, pero I just want you to know guys na andito ako, treat me as a blessing not an enemy dito. Hindi ako enemy dito. Ginagawa ko po ‘yung lahat para makatulong sa bayan ng Mexico Pampanga,” aniya.
Bukod sa pagiging vlogger ni Lim ay isa ring businessman.