Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang tumaas

Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang tumaas

BAHAGYANG tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ito ay dahil sa naranasang pag-uulan nitong nakalipas na araw.

Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 41 sentimetro ang nadagdag kaya’t tumaas sa 196.40 meters ang lebel ng tubig sa Angat mula sa 195.99 meters nitong Lunes.

Samantala, nabawasan naman ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque at Kaliraya Dam.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter