LGU Pasay, mamimigay ng Pamasko ngayong araw

LGU Pasay, mamimigay ng Pamasko ngayong araw

TINATAYANG nasa 6 na libong mga paslit at mga magulang ang mapagkakalooban ng regalo mula sa lokal na pamahalaan ng Pasay sa kanilang taunang “PASKUHAN”.

Ang naturang programa ay bahagi ng pamaskong handog ni Mayor Emi Calixto-Rubiano at ng Pasay City Social Welfare and Development Department sa mga mahihirap na pamilya.

Laman ng regalo ng LGU Pasay ay mga Christmas ham, school supplies, raincoats, sari-saring laruan, prutas, groceries, Christmas package, at iba pang mga pangangailangan.

Mag-uumpisa ang aktibidad mamayang alas-10 ng umaga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble