Lingguhang positivity rate ng COVID-19 sa buong bansa tumaas ng 10.6%

Lingguhang positivity rate ng COVID-19 sa buong bansa tumaas ng 10.6%

TUMAAS ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa ng 10.6 percent maging ang admission rate sa mga ospital kung ikukumpara noong nakaraang linggo.

Kahapon, Huwebes ay inuulat ng Department of Health (DOH) na  nakapagtala ang bansa ng 2, 371 na bagong kaso ng COVID-19.

Ito na ang pinakamataas na kaso na naitala sa loob lamang ng isang araw simula Pebrero 16, 2022.

Sa kabuuan, mula Hulyo 8-14 ay pumalo na sa 16, 244 ang aktibong kaso sa bansa.

Pagdating sa weekly positivity rate sa buong bansa ay umakyat ito sa 10.6 percent na naitala noong Hulyo 13.

Sa lahat ng rehiyon sa bansa ay ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 mula Hulyo 8-14 na nakapagtala ng 5, 234 na kaso, sumunod ang Region 4A na nakapagtala ng 2, 710 na kaso, pangatlo naman sa may pinakamataas na bagong kaso ay ang Region 3 na may 1, 161 na COVID-19 cases, pang-apat ang Region 6 at sumunod naman ang Region 7.

Sa kabila naman ng pagtaas ng admission sa ICU, ay nanatiling nasa low risk ang total National ICU Utilization sa bansa na nasa 17% utilization rate.

As of July 13, 2022, karamihan sa mga kinapitan ng COVID-19 ay nakararanas ng moderate cases na nasa 32. 66%, ang mga asymptomatic ay nasa 20. 06 % habang ang critical cases ay nasa 2.95% lamang.

Samantala, kasunod ng pagkatatalaga ni PBBM, ay si Usec. Maria Rosario Vergeirie na ang pansamantalang mamumuno ng DOH habang wala pang inilalagay na kalihim para sa ahensya.

Bago ito ay si Vergerie ang tumatayong chief of staff at Usec ng Public Health Services Team.

Ayon kay Vergerie, patuloy itong makikipagtulungan sa iba’t ibang sektor at wala aniyang maiiwan pagdating sa Universal Health Care.

Sa Mataas na Kapulungan, inayunan ng mga senador ang pagkatatalaga kay Vergeirie sa DOH.

Ayon kay Senator Sonny Angara umaasa ito na pamumunuan niya nang mahusay ang departamento at sana wala nang magiging isyu sa paggastos ng pondo ng ahensya lalo na sa mga malalaking kontrata.

Si Senator Bong Go naman, chairman ng Senate Committee on Health na sa pagsisilbi nito noon pang Duterte admin ay nakitaan niya ang opisyal ng dedikasyon at passion sa trabaho.

Umaasa rin ito na mas lalong mapatitibay ang COVID-19 Response ng bansa sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Follow SMNI NEWS in Twitter