Lisensiya ng 2 kompanya ng mga Discaya, binawi ng SEC

Lisensiya ng 2 kompanya ng mga Discaya, binawi ng SEC

Binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensiya ng dalawang construction companies ng mga Discaya dahil sa peke o maling impormasyon sa kanilang ownership papers.

Kabilang sa mga kumpanyang naapektuhan ang St. Timothy Construction Corp. at St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp.

Maliban dito, pinatawan ang bawat kompanya ng P2 milyon multa at karagdagang P1,000 kada araw kung magpapatuloy ang paglabag.
Ayon sa SEC, hindi totoo ang pag-aangkin ni Sarah Discaya bilang may-ari ng dalawang kumpanya base sa records mula 2022 hanggang 2025.

Noong Setyembre, kinansela rin ng Philippine Contractors Accreditation Board ang lisensya ng siyam na kumpanya ng mga Discaya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble