LRT-1 PITX station, muling binuksan para sa mga pasahero

LRT-1 PITX station, muling binuksan para sa mga pasahero

Mas pinadali na ang paglipat ng sakayan ng mga komyuter sa LRT-1 PITX station matapos muling buksan ang mga pasukan at labasan sa ground floor ng istasyon.

Sa pamamagitan nito, mas diretso nang makakapunta ang mga pasahero mula sa bus terminal ng PITX patungo sa istasyon ng tren.

Naglagay rin ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng bagong tawiran upang mas ligtas at mas madali ang paglipat ng mga pasahero.

Ayon sa LRMC, layon nito na magdagdag ng daanan at magbigay ng mas komportableng biyahe sa mga komyuter.

Sinunod ang pagbubukas ng mga gate matapos ang inspeksiyon ni Transportation Secretary Vince Dizon sa istasyon noong mga nakaraang araw.

Patuloy namang makikipagtulungan ang LRMC sa DOTr, LRTA, at PITX management para sa iba pang pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo para sa mga pasahero.

Follow SMNI NEWS in Twitter