PBBM, nakipagpulong sa mga opisyal ng SL Agritech Corp, farmer reps mula Central Luzon

PBBM, nakipagpulong sa mga opisyal ng SL Agritech Corp, farmer reps mula Central Luzon

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa mga executive ng SL Agritech Corporation at farmer representatives na mula sa Central Luzon.

Ginanap ang naturang meeting sa Malacañan Palace nitong Pebrero 14, 2023.

Nakatuon ang kanilang diskusyon sa mga proposal na may layong makamit ang rice self-sufficiency.

Natalakay rin sa pulong ang mga programa at mga proyekto na magpapalakas ng suporta sa rice farmers.

Partikular sa iba’t ibang pangangailangan ng mga magsasaka gaya ng aid and market expansion para ibenta ang kanilang produksyon at mapataas ang kanilang kita.

Ang SL Agritech Corporation ay isang private company na nakikibahagi sa research, development, production at distribution ng hybrid rice seed at premium quality rice.

Mayroon itong 3 commercial hybrid rice seeds na lahat ay napatunayang high-yielding varieties, na maaaring tumubong mabuti sa parehong wet at dry seasons.

Ipinamamahagi ang mga ito sa Pilipinas at iniluluwas sa Vietnam, Myanmar, Bangladesh, Indonesia at India.

Follow SMNI NEWS in Twitter