LTFRB, magbubukas ng special permit applications para sa Undas

LTFRB, magbubukas ng special permit applications para sa Undas

Magsisimula sa September 21 ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagtanggap ng special permit applications para sa Undas.

Tatagal ang filing hanggang October 2, habang valid naman ang mga special permit mula October 28 hanggang November 6.

Layunin nitong matiyak na sapat ang mga bus para sa milyon-milyong biyaherong uuwi sa kanilang mga probinsya para sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon sa LTFRB, noong nakaraang taon ay higit walong daang (800) bus ang nabigyan ng special permit.

Kailangang may valid OR/CR, passenger accident insurance at iba pang requirements ang mga aplikante, habang dapat ay wala pang labing-apat (14) na taon mula nang gawin ang mga bus.

Follow SMNI NEWS in Twitter