Dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang BRICS Summit sa New Delhi, India sa September 12 at 13 bilang kinatawan ng ASEAN na kasalukuyang chairman ang Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, gagamitin ng pangulo ang summit para ilahad ang mga prayoridad ng ASEAN sa peace and security, people empowerment at economic prosperity.
Makikipagkita rin si Marcos kay Indian Prime Minister Narendra Modi para talakayin ang progreso ng Philippines-India Strategic Partnership.
Kasama rito ang pagpapatupad ng five-year plan of action para sa 2025 hanggang 2029 at mga usaping pang-ekonomiya.
Makikipagpulong din ang pangulo sa Indian Business Leaders para sundan ang investment pledges at commitments mula sa kanyang naunang pagbisita sa India.
Nakatuon ang 18th BRICS Summit sa resilience, innovation, cooperation at sustainability, kabilang ang global economic challenges, digital infrastructure at climate action.
