Mahigit 30 train sets mula Spain at Mexico, asahan na darating sa Hunyo 2022

Mahigit 30 train sets mula Spain at Mexico, asahan na darating sa Hunyo 2022

INILAHAD ng Department of Transportation (DOTr) na asahan sa Hunyo 2022 ang pagdating ng 30 train sets sa bansa mula sa Spain at Mexico na gagamitin para sa LRT-1 Cavite extension project.

Sa Facebook post ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, ibinahagi nito na ang nasabing mga train sets ay gagamitin sa LRT-1 Cavite extension project ng ahensya, LRTA at ng LRMC.

Ang bawat set ng tren ng Gen-4 ay binubuo ng apat na LRV o bagon na kayang tumanggap ng humigit-kumulang 1,300 pasahero.

Ang mga makabagong hanay ng pampasaherong tren ay mayroong destinations sign sa harap, digital system at espesyal na lugar para sa wheelchairs ng mga Persons with Disabilities (PWD).

Ang mga tren na ito ay gagamitin sa susunod na taon sa oras na makumpleto ang mga safety checking, inspection, required test runs na mayroong minimum kilometers at acceptable test.

Matatandaang, naghatid ang DOTr kamakailan ng 12th brand-new 4th generation trains sa LRT-1 train set sa LRMC Baclaran depot sa Pasay City.

SMNI NEWS