Mall hours, palalawigin sa nalalapit na holiday seasons; sales, isasagawa na lamang sa weekends

Mall hours, palalawigin sa nalalapit na holiday seasons; sales, isasagawa na lamang sa weekends

PALALAWIGIN sa nalalapit na holiday seasons ang mall hours at isasagawa na lamang sa weekends ang mga sales nito.

Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibleng pagdagsa ng mga tao sa mall ngayong kapaskuhan.

Papahabain pa nito ang mall hours na magiging daan upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at maikalat ito sa mas mahabang oras na bukas ang mga mall sa holiday seasons.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos na pumayag na ang mga may-ari ng malls sa pag-extend sa mall hours.

Maliban sa pagpapahaba ng oras ng mall hours ay hindi na rin magsagawa ng ‘holiday sale’ kung weekdays.

Una nang sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na dapat tuwing weekends na lamang o holidays magsagawa ng mall sales upang hindi dumagsa ang tao sa mga araw ng weekdays at maiwasan din ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalye.

SMNI NEWS