Manases Carpio, hahamunin ang desisyon ng korte sa pagbasura sa kanyang reklamo

Manases Carpio, hahamunin ang desisyon ng korte sa pagbasura sa kanyang reklamo

Hahamunin ni Atty. Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, ang rekomendasyon ng Quezon City Prosecutor’s Office na ibasura ang kanyang reklamo.

Ayon sa kanyang abogado na si Peter Paul Danao, hinihintay nila ang official copy ng resolusyon noong September 7 bago magdesisyon sa susunod na legal na hakbang.

Sinabi ni Danao na posible ring muling iharap ni Carpio ang reklamo sa Office of the Ombudsman, na itinuring ng prosecutor’s office na tamang forum batay sa jurisdiction.

Inireklamo ni Carpio at ni VP Sara ang paglalabas ng kanyang financial records sa impeachment proceedings, at inakusahan ang ilang mambabatas at opisyal ng paglabag sa banking, anti-money laundering at data privacy laws.

Ibinasura ang reklamo without prejudice dahil sa jurisdictional grounds, kaya ayon sa kampo ni Carpio, hindi pa nalulutas sa merits ang mga allegations sa reklamo.

Follow SMNI NEWS in Twitter