Naglaan ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay para sa mga commuter dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat.
Nag-deploy ng mga government vehicle ang DOTr, Office of the President, Philippine Coast Guard at Department of Energy.
Sakop ng Libreng Sakay ang mga ruta mula Divisoria hanggang Monumento, Kalentong hanggang Pasig, at Lawton hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), at vice versa.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, layunin nitong matiyak na may masasakyan ang mga commuter at hindi maaabala ang kanilang biyahe.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang Libreng Sakay ng Office of the Vice-President na inilunsad pa noong 2022 sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19.
Inaasahang magpapatuloy ang maulap na panahon at pag-ulan sa Luzon at Visayas sa susunod na 24 oras dahil sa Habagat.
