Mangrove Tree Planting Project ng isang pampublikong paaralan sa Pangasinan, nagwagi

Mangrove Tree Planting Project ng isang pampublikong paaralan sa Pangasinan, nagwagi

NAGWAGI ang Bonuan Buquig National High School (BBNHS) sa Dagupan City, Pangasinan ng $50,000 bilang premyo sa World’s Best School sa Environmental Action Category ng T4 Education.

Mula sa 10 shortlisted schools sa buong mundo, nakuha ng BBNHS ang unang gantimpala sa pamamagitan ng kanilang Ilog Ko, Aroen Ko (Ilog ko, Pangangalaga Ko): Mangrove Tree Planting Project.

Nakatulong ang proyekto sa pag-rehabilitate ng Longos River matapos itong masalanta ni Typhoon Pepeng noong 2009.

Inilunsad noong 2010, pinapanatili ang IKAK Project ng mga nagdaang punong guro ng BBNHS.

Nahigitan ng BBNHS ang International School of Zug at Luzern ng Switzerland at ang Green School of Bali sa Indonesia bilang top finalists sa Environmental Action Category.

Follow SMNI NEWS in Twitter