TINIYAK ng Manila Bay office na gagawa ito ng paraan upang maiwasan ang mass gathering sa dolomite beach.
Inamin ng Manila Bay coordinating office na hindi nila nasusuri ang vaccination cards ng mga bumibisita sa dolomite beach.
Ayon kay Manila Bay coordinating office Deputy Executive Director Jacob Meimban Jr., kung hahanapan pa nila ang mga ito ng vaccination card, matetenga ang mga tao sa labas.
Tig-iisang daan rin aniya ang sabay-sabay na pumapasok sa dolomite beach, dahilan kung bakit hindi nila mahinto ang mga ito para sa cards.
Ibinahagi pa ni Meimban, aabot ng tatlong libo hanggang limang libo ang makakapasok sa 1.2 hectares dolomite beach sa umaga.
Hanggang sampung libo naman ang pumupunta dito tuwing weekends.
Ngayon, tiniyak ni Meimban na e-evaluate nila ang resulta nito at susubukan nila ang pagkakaroon ng bagong paraan para maiwasan ang mass gathering.
Batay rin sa komento ng ilang netizens, dinadagsa ang dolomite beach dahil kinasasabikan rin naman itong bisitahin ng publiko.
