Senador Marcoleta, sumuko na sa korte para sa kasong plunder

Senador Marcoleta, sumuko na sa korte para sa kasong plunder

Nakitaan ng Sandiganbayan 3rd Division ng probable cause ang plunder case laban kay Senador Rodante Marcoleta.

Dahil dito, ibinasura ng korte ang kaniyang mosyon na harangin ang pag-isyu ng warrant kasabay ang kautusan na hulihin din ang mga kapwa akusado nitong sina dating Congressman Mike Defensor, at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.

Non-bailable ang plunder.

Ang kaso ay nag-ugat sa alegasyon na tumanggap si Marcoleta noong siya ay kongresista pa ng pitumpu’t limang milyong pisong campaign donations mula kay Defensor at sa mga negosyante, na hindi umano nito idineklara sa kaniyang SALN at SOCE.

Para sa korte, may sapat na dahilan para ma-isyuhan ng warrant ang senador maging ng hold departure order.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, July 03, 2026 nang isampa ng Ombudsman ang kaso.

Nagtungo mismo si Marcoleta sa Sandiganbayan kaninang umaga para sa pagdinig ng kaniyang mosyon

Matapos ibasura ng korte ang mosyon nitong huwag maglabas ng arrest order, nagpatupad ng lockdown ang korte matapos itong hilingin ng PNP.

Dinala si Marcoleta sa Camp crame para sa booking procedures lagpas alas-onse ng umaga

Para naman kay Marcoleta, haharapin niya ang batas at ang pagsuko niya ay bahagi ng pagsunod sa proseso.

Binigyan naman ng korte ng tatlong araw ang prosekusyon para maghain ng komento sa motion to quash ng senador.

Maliban sa plunder, nahaharap din sa three counts ng paglabag sa presidential decree no. 46 o pagtanggap ng regalo ang senador.

Samantala, hawak na rin ng awtoridad si dating Congressman Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Espiritu.

Sa kaniyang Facebook Live, iginiit ni Defensor na ang kaniyang pagkakakulong ay paraan lamang umano para patahimikin siya sa pagpuna sa korapsyon sa gobyerno.

Dinala rin si Defensor sa CIDG para sa processing at medical clearance bago ang return of warrant sa Sandiganbayan.

Sa pagdating nito sa Sandiganbayan, nagbigay ito ng mensahe sa gobyerno.

Sa ating gobyerno, inuulit ko yong sinasabi ko, nauna pang nakulong ang mga nagsasalita sa korapsyon pero yong mga korap, wala pa ring nakukulong hanggang ngayon,’’ saad ni Ex-Cong. Mike Defensor.

Follow SMNI NEWS in Twitter