HANDA na ang Marhaba Lounge sa departure boarding area ng Clark International Airport.
“Marhaba!” – sabay-sabay na bati ng mga staff at panauhin bilang pagsalubong sa mga bisita ng lounge.
“Marhaba is meet and greet or welcome. More or less, we use it associated with us, welcoming everybody to the lounge,” pahayag ni Margaret L. Yu, CEO, Dnata Philippines.
Tampok sa Marhaba Lounge ang mga komportableng upuan, sleeping rooms, cigar rooms, libreng WiFi, soft drinks bar, cocktail bar, at isang malawak na seleksyon ng pagkain. Mayroon itong halal food, Chinese food, Pinoy food, vegetarian options, at marami pang iba.
Bukod sa mga ito, nag-aalok din ang lounge ng shower facilities, meeting rooms na maaaring i-book, at 24/7 na serbisyo. Maaari kang mag-book online o mag-walk-in.
“At least, even if you are economy, you get to experience the business class, first-class experience. If hindi man on air, at least on the ground,” wika ni Jeffrey Versoza, Corporate Communications, Dnata.
May lawak na 813 square meters ang Marhaba Lounge at may kapasidad na 166 na upuan. Layunin nitong bigyan ng luxurious at komportableng karanasan ang lahat ng pasahero, mapa-economy class man o business class. Matatagpuan ito sa Departure Lounge ng Clark International Airport.
Sa halagang $40 o humigit-kumulang P2,400, maaari mong ma-enjoy ang lahat ng serbisyo ng Marhaba Lounge.
“The price is not really a price for me. Given these amenities, this place, para sa akin, it’s just right,” ayon kay Atty. Edgardo Pamintuan Jr. Chairperson, Clark Development Corp.
Ang Marhaba Lounge sa Clark ay ang ikatlo at pinakamalaking Marhaba Lounge sa Pilipinas, na naglalayong magbigay ng natatanging karanasan sa mga pasahero. Ito ay isang perpektong lugar upang magpahinga bago o pagkatapos ng biyahe.
