UMAASA sina AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. at Australian Defense Force chief General Angus Campbell na magkakaroon ng mas maraming military exercise ang Pilipinas at Australia.
Ginawa ng dalawang opisyal ang pahayag sa pagbisita ni Campbell sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Pinasalamatan ni Brawner si Campbell sa matagumpay na pagsasagawa ng Exercise Alon 2023 bilang bahagi ng Indo-Pacific Endeavor kasama ang iba pang mga bansa sa rehiyon.
Gayundin ang patuloy na suporta na ibinibigay ng Australia sa bansa.
Iginiit ni Campbell na nais nilang patuloy na maging ka-partner ang AFP na nakikinig at nag-aadapt.