Mayor Sara Duterte, nagsalita na sa pag-atras sa Presidential race ni Sen. Bong Go

NAGSALITA na si Mayor Sara Duterte sa pag-atras sa Presidential race ni Senator Christopher ‘’Bong’’ Go.

Binisita ngayong-araw ng BBM-Sara tandem ang mga taga suporta nila sa Batangas.

Ngayong linggo, sunod-sunod ang kanilang pag-iikot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nitong miyerkules, jump packed ang kanilang pag-iikot sa probinsya ng Quezon.

Patuloy naman ang pasalamat ni Mayor Sara sa mga sumusuporta sa kanyang kandidatura.

May request ito sa kanyang mga supporter lalo na ngayon at umatras sa Presidential race ang manok ng administrasyon na si Senator Bong Go.

“Ang pagpa-file po ng kandidatura at ang pagwi-withdraw is a personal decision po ‘yun. Respetuhin po natin kung ano ang desisyon ni Senator Bong Go. Ang sa amin naman po sa Uniteam, ang amin pong adhikain is pagkakaisa kaya po tuluy-tuloy ‘yung pananawagan namin sa lahat ng mga sumusuporta sa Duterte Administration na magkaisa po tayong lahat para sa susunod na taon na eleksyon,”ayon kay Mayor Sara Duterte-Carpio.

Muli rin itong nangako na ipagpapatuloy at palalawakin pa ang mga nagawa ng kanyang amang si PRRD.

“Kinakamusta ko po ang ating mga supporters, sa ating mga kaibigan sa buong Pilipinas at sa buong mundo lalong-lalo na po yung mga OFW na tğloy-tuloy ang pag-suporta nila sa Duterte administration at sa mga reforms na gustong gawin ng Duterte administration. Maraming-maraming salamat po sa inyo dahil sumusuporta din po kayo sa akin kay Inday Sara,”saad nito.

SMNI NEWS