Mga balikbayan boxes, naipadala na sa mga pamilya ng OFW ng BOC-Port of Limay

Mga balikbayan boxes, naipadala na sa mga pamilya ng OFW ng BOC-Port of Limay

NAILABAS na ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Limay ang balikbayan boxes para sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs).

Sa 29 balikbayan boxes, 25 ang naideliver sa mga recipients bago ang Christmas holidays sa ilalim ng gabay ni District Collector William Balayo.

Hanggang Enero 10, nasa 4 na balikbayan boxes na lamang ang nanatiling for pickup.

Ipinag-utos ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang agarang pagpapalabas sa mga unpaid at inabandonang balikbayan boxes para sa mga OFW families alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matugunan ang pangangailangan ng mga OFW. Port of Limay

Follow SMNI NEWS in Twitter