Pulis na nahuli sa buy-bust operation sa Maynila, masusing iniimbestigahan ng PNP

Pulis na nahuli sa buy-bust operation sa Maynila, masusing iniimbestigahan ng PNP

INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police (PNP) kung paano naitalaga sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang isa nilang tauhan na nahuli sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Redrico Maranan, si Police Staff Sergeant Ed Dyson Banaag ay naitalaga sa PDEG nito lamang Enero 4 mula sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Mainam aniya kung dumaan sa masusing background check ang pulis bago nailipat ng isang sensitibong yunit sa Camp Crame.

Maliban dito, inaalam na rin ng PNP kung may kaugnayan si Banaag kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na isang intelligence officer na iniuugnay sa 6.7 bilyong pisong halaga ng iligal na droga sa operasyon sa Tondo, Manila noong nakaraang taon. buy-bust operation 

Tiniyak naman ng PNP na magpapatuloy ang kanilang internal cleansing lalo’t ilan pang 3rd level police officers ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Follow SMNI NEWS in Twitter