Mga hamong kinahaharap ng K-12 curriculum, rerepasuhin ng EDCOM II—Sen. Gatchalian

Mga hamong kinahaharap ng K-12 curriculum, rerepasuhin ng EDCOM II—Sen. Gatchalian

REREPASUHIN ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM) II ang mga hamong kinakaharap ng K to 12 curriculum.

Ayon kay Senator Win Gatchalian, kabilang sa sisilipin ay ang pagpapatupad ng Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE) at ang spiral progression approach.

Dapat din aniyang suriin ang mga ito upang matiyak na maging mahusay ang mga mag-aaral sa bansa.

Ang pagsasagawa ng national assessment and evaluation kabilang ang pagtiyak ng mga bagay na may kinalaman sa patuloy na pagbagsak ng performance ng mga mag-aaral sa ilang mga subject ay mandato ng EDCOM II.

Kung ibabatay sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), makikitang nahuhuli na ang mga mag-aaral ng Pilipinas kung ikukumpara sa mga mag-aaral sa ibang bansa.

Naitala rin ng PISA sa bansa ang pinakamababang marka sa reading at pangalawang pinakamababang marka sa science at mathematics.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter