LRT-1 Cavite Extension Project, halos 73% nang tapos –DOTr

LRT-1 Cavite Extension Project, halos 73% nang tapos –DOTr

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na inaasahang matatapos na sa susunod na taon ang konstraksyon ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Sa pinakahuling datos ng DOTr, nasa 73% nang tapos ang construction development sa nasabing proyekto.

Puspusan din ang konstraksyon ng 5 bagong istasyon ng tren na pinangalanang Redemptorist Station, MIA Station, PITX Asia World Station, Ninoy Aquino Station at Dr. Santos Station.

Sa oras na maging operational ang naturang proyekto, pabibilisin na nito ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite.

Mula sa higit isang oras na biyahe magiging 25 minuto na lamang ito at  tinatayang nasa 500k-800k pasahero ang kayang maserbisyuhan araw-araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter