Mga kandidatong suportado ang E-Sabong, hindi dapat iboto sa eleksyon -Villanueva

Mga kandidatong suportado ang E-Sabong, hindi dapat iboto sa eleksyon -Villanueva

NANAWAGAN si Deputy Speaker  Eddie Villanueva sa mga botante na huwag iboto sa paparating na 2022 national and local elections ang mga kandidatong suportado ang E-Sabong.

Ito’y sa gitna na rin ng tumataas na kaso ng online gambling related-case gaya ng pagpapakamatay, pagnanakaw, robbery, at pagkakadawit ng mga menor de-edad sa krimen.

Ayon kay Villanueva, may namonitor siyang apat na suicide case sa Bocaue, Bulacan at Floridablanca, Pampanga.

Binanggit din nito ang kaso ng isang pulis na nilooban ang ilang remittance company sa Bulacan at Nueva Ecija para tustusan ang pagkalulong sa E-Sabong.

Diin ni Villanueva, ginagawa lamang na ‘front’ ng mga operator na magkaroon ng kita ang gobyerno gamit ang pagsasalegal ng E-Sabong.

“Imagine with just a click of one’s finger practically every person can gamble. Hindi natin alam kung siya ay nasa hustong gulang o menor de edad kung kanya ba ang ginagamit niya na pera o hindi o kung siya ba ay nasa wasto pang katinuan o lulong na sa sugal at kailangan nang tulungan. There’s so many loopholes and backdoors on online gambling that is more prudent to keep the doors closed for the sake of our people,” pahayag ni Villanueva.

Diin din nito na may iba namang paraan para kumita ang gobyerno bukod sa pagpayag sa online gambling.

Sa ngayon, ani Villanueva ay may dalawang panukala sa Kongreso para bigyan ng prangkisa ang E-Sabong.

Ngayong araw, may E-Sabong Franchise Bill ayon sa kongresista ang tatalakayin sa Senado.

“Sa akin pong personal analysis ang addiction sa gambling is even worst than addiction sa drugs in the long run. Why? Ang mga addicts sa drugs pinapatay through extrajudicial killings pero ang addiction sa sugal, sila ang nagpapakamatay…gambling addicts this must be put to stop,” dagdag ni Villanueva.

SMNI NEWS