Google, hindi tatanggap ng election advertisements sa Pilipinas

HINDI tatanggap ang Google ng election advertisements para sa 2022 Philippine elections.

Sa anunsyo ng Google, ipatutupad ito sa panahon ng election campaign at silence periods, mula Pebrero 8 hanggang Mayo 9, 2022.

Sinabi ng kumpanya na ipatutupad ang polisiya sa election advertisements na binibili sa pamamagitan ng Google ads, display and video 360 at shopping platforms na layon ng advertisers na ilagay sa Google, Youtube at partner properties.

Dagdag pa ng Google, sinuspende rin nila ang political adds na nagpo-promote o tumututol sa anumang political party o kandidatura ng sinumang indibidwal o partido para sa public office.

SMNI NEWS