OPISYAL nang nagtapos ang Armed Forces of the Philippines Leadership Summit na ginanap sa Camp Aguinaldo kasama si AFP Chief of staff General Romeo S. Brawner Jr. bilang panauhing pandangal.
Ang naturang summit ay nagbigay daan upang magtipon-tipon ang lahat ng senior leaders, commanders, at key personnel mula sa buong AFP.
Layon nitong palakasin pa ang kakayahan sa pamumuno, itaguyod ang kahusayan sa organisasyon at pag-ugnayin ang mga estratehiya.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Gen. Brawner ang mahalagang papel ng matibay na pamumuno sa pagkamit ng layunin ng AFP na maging isang world-class na puwersa ng sandatahan.
Nagsilbi rin itong plataporma sa pagpapalitan ng pananaw upang tugunan ang lahat ng hamon na kinakaharap ng bansa.