NASAWI ang top leaders ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas dahil sa magkasunod na engkuwentro laban sa gobyerno sa Las Navas, Northern Samar.
Kabilang dito si Richard Jumadiao alyas “Joban”, pinuno ng Guerilla Unit Laysan ng Eastern Visayas Regional Party Committee; Edgar Baselga alyas “Ali”, squad leader; at iba pang kasapi ng regional guerilla unit na sina alyas Berbon, Sinag, Lakay, Desoy, at Rico.
Si Jumadiao at ang kaniyang grupo ay itinuring na sangkot sa mga ambush, pangongotong, at pagharang sa mga proyekto ng gobyerno sa rehiyon.
Ayon sa Philippine Army, nagsagawa sila ng operasyon matapos iulat ng mga residente na may mga armadong lalaki sa bundok na nanggugulo at nananakot sa mga magsasaka.
Nabawi sa lugar ang ilang matataas na kalibre ng baril kabilang ang mga M16 at light machine gun.
