TILA new normal na sa mga police sa Davao City ang pagsusuot ng face mask o mga takip sa kanilang mukha.
Lalo na tuwing magsasagawa ng pagpapatrolya o kahit checkpoint operations sa labas ng religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.
Bukod sa face mask, kapuna-puna rin na walang nameplate ang mga pulis.
Sadya ring ikinubli ang plaka ng kanilang mga sasakyan.
Ang mga reklamong ito – nakarating nang lahat sa Senado.
Kaya sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, mismong ang chairman na si Senator Ronald dela Rosa na ang pumuna dito.
‘‘They are not doing illegal, but they are just doing… to tell you frankly improperly. Yung ginagawa nila,’’ according to Sen. Ronald dela Rosa, Chairman, Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Kakauwi lang nitong nakaraang linggo ni Senador dela Rosa sa Davao City.
Personal niyang nasaksihan ang ginagawa ng mga pulis lalo na sa labas ng KOJC religious compound.
Naggawa pa niyang tanungin ng Senador ang isa sa mga patrolman sa checkpoint kung bakit nakatakip ang mga mukha nila at wala rin silang nameplate pero – wala itong matinong naisagot.
‘‘Bakit mag-checkpoint ka palaging naka-mask? Kailangan tapos di makita ‘yung pangalan? ‘Yun lang ang sa akin. We must be friendly. Hansel? We must be friendly to the people,’’ Sen. dela Rosa said.
Present sa senate investigation laban sa marahas na June 10 operations ng PNP sa KOJC Compoud ang acting chief ng Davao City Police Office na si PCol. Hansel Marantan.
Pero ang pag-depensa niya sa mga pulis, hindi nakalusot kay Senator dela Rosa.
‘‘Konting ano lang your honor, konting consideration lang with the policemen, kasi they’ve been there exposed to the pollution of the…’’ PCol Hansel Marantan, Acting City Director, Davao City Police Office, said.
‘‘Don’t tell me that. You don’t tell me that reason. Alikabok? And dahil alikabok naka-mask kayo? Lahat naka-mask palagi 24/7? Pag nag-checkpoint that’s very… Hindi ko matanggap yung rason mo na yan,’’ Sen. dela Rosa stated.
Halos kalahati ng buhay ni Senator dela Rosa ay ang pagiging pulis.
Nakahanap naman ng katapat si Marantan kay dela Rosa na dati nilang PNP Chief.
‘‘It is part of the uniform? [No]’’ dela Rosa asked.
‘‘Your honor I’m telling the truth your honor that’s why I’m here,’’ Marantan said.
‘‘Huwag mo akong sabihan ng ganyan… Nag-checkpoint din ako. ‘Yung dinaan niyo ngayon, dinaanan ko rin ‘yan. I’m just wondering bakit lahat ng pulis ay naka-mask which is very intimidating!’’ Sen. dela Rosa added.
Nilinaw naman ni dela Rosa na hindi nito pinipigilan ang trabaho ng PNP, partikular ang operasyon nito sa KOJC.
Ngunit para sa dating hepe ng PNP, hindi nakatutulong ang ginagawa ng mga pulis sa mga residente ng Davao City.
‘‘Ano ba ang naka-mask palagi diba? ‘Yung mga may gagawing masama. Wala silang ginagawang masama! Pero ang dating kasi parating nakaganun, talagang intimidating sa tao. At kinausap pa ayaw sumagot,’’ dela Rosa added.
Si Abalos naman, bagama’t siya ang isa sa mga pinaniniwalaang nagmamando sa ginagawang panggigipit ng PNP sa KOJC, nangako na aaksyunan daw niya ang reklamong ito laban sa mga abusadong pulis.
‘‘Mr. Chair I will assure you mamayang hapon po, I will talk with the chief and make sure bukas na bukas lahat po walang mask po ‘yan. And to make sure the protocols like the name properly mailagay po. I assure you that Mr. Chair,’’ Sec. Benhur Abalos, Department of Interior and Local Government, said.
