MANANATILING bukas at magsasagawa parin ng in-person classes ang mga paaralan sa Seoul, South Korea sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 na may kaugnayan sa mga paaralan.

Sa kabuuan, umabot na sa 1,185 katao kabilang na ang mga mag-aaral at staff ng mga paaralan ang nagpositibo sa COVID-19 simula nang buksan ang mga paaralan sa face-to-face classes noong nakaraang linggo.
Mula Nobyembre 22, 1,090 estudyante sa Seoul ang nagpositibo sa COVID-19
Higit sa kalahati ng mga estudyanteng positibo sa virus ay nakumpirmang elementary school students
Matatandaan na noong nakaraang linggo, 96 % o 1,311 paaralan sa Seoul ang nagbalik na sa in-person classes.
