Mga tauhan ng PNP sa Kampo Krame, nakiisa sa 3rd Quarter Nationwide Earthquake Drill 2023

Mga tauhan ng PNP sa Kampo Krame, nakiisa sa 3rd Quarter Nationwide Earthquake Drill 2023

NAKIISA ang mga tauhan at empleyado ng Philippine National Police National Headquarters sa Camp Crame sa ika-3 kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023.

Matapos na marinig ang sirena o alarma, agad na nagsagawa ng duck cover at hold ang mga empleyado ng PNP sa kani-kaniyang mga opisina.

Makaraan ang ilang minuto, agad na nagtungo ang mga ito sa isang malaking espasyo ng kampo para makaligtas sa posibleng pagguho ng lupa, at pagkasira ng mga pasilidad sa mga tanggapan ng mga ito.

Nagsagawa rin ng first aid simulation ang PNP medical teams sa mga kunwari’y nasugatan at nasaktan sa pagtama ng isang lindol sa bansa.

Ang nasabing Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay pinangungunahan ng Office of Civil Defense na ginanap sa Tagbilaran City, Bohol kung saan dinaluhan ito nina Interior Secretary Benhur Abalos, Defense Secretary Gilbert Teodoro at OCD administrator at NDRRMC Executive Director Usec. Ariel Nepomuceno.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble