Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez, pasok sa Top 5

PASOK sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez.

Bukod sa Pilipinas pasok din sa Top 5 si Miss Colombia.

Hanggang Top 5 lamang ang inabot ni Beatrice kung saan sa question and answer portion ay si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ang nagtanong sa kanya hinggil sa universal vaccine passport.

Ayon kay Bea sang-ayon sya na maging mandatoryo ang passport vaccination kung ito ang makatutulong na mawakasan ang pandemya.

Bago pa man ang finals, hindi nagpahuli si Beatrice sa kanyang red evening gown at ng kanyang “bakunawa” national costume.

Si Beatrice, na nagmula sa Cebu City, isa siyang military sergeant, model, community development worker at athlete na gumawa ng kasaysayan noong Setyembre matapos maging unang bukas na miyembro ng LGBTQIA + community na nanalo ng korona ng Miss Universe Philippines.

Samantala, hindi man nasungkit ni Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez ang Miss Uinverse Crown, proud at happy pa rin ang mga Pilipino kay Beatrice dahil isa pa ring malaking karangalan para sambayanang Pilipino ang kanyang naibigay sa bansa.

SMNI NEWS