MULING isinagawa ang isang pagpupulong na nilahokan ng mga miyembro ng Municipal Peace and Order Council kasama ang 85 IB sa Bayan ng Pitogo, Quezon.
Ito ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kabilang na ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Medical Health Office (MHO), Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC), Municipal Local Government Operations Office (MLGOO) at mga Punong Barangay na nasasakupan ng bayan ng Pitogo.
Tinalakay naman ni Captain Fidel E. Nobleza, Civil Military Operations Officer ng 85 IB, ang sitwasyon ng Pitogo, Quezon sa usaping insurhensiya at pangkapayapaan.
Kabilang din sa pinag-usapan sa nasabing pagpupolong ang mga plano ng bawat departamento kaugnay sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bayan ng Pitogo.