GINAWANG trust fund ng mga atleta ang hindi nagastos na umaabot sa 3 milyong piso noong 30th Southeast Asian Games 2019 kung saan ang Pilipinas ang host country.
Ayon kay Philippine Olympic Committee’s (POC) President Bambol Tolentino, na-turn over na ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa kanila ang nasabing halaga.
Nagpahayag naman ito ng pasasalamat sa PHISGOC sa pagdonate ng kanilang naipong pera para sa mga atleta sa bansa.
Ang trust fund ay ang pinagkukunan para sa ibinibigay na bunos at incentives sa mga atletang nakapagbigay ng parangal sa bansa.