Nasawi dahil sa Bagyong Tino halos nasa 200 na

Nasawi dahil sa Bagyong Tino halos nasa 200 na

Tumaas na sa 188 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Tino, ayon sa Office of Civil Defense nitong Biyernes, Nobyembre 7, 2025.

Karamihan sa mga namatay ay mula sa Cebu na may 139.

Mayroon ding 135 katao ang nawawala — 56 sa Negros Island Region at 79 sa Cebu.

Samantala, umabot na sa ₱10.6 milyon ang pinsala sa agrikultura at ₱6.3 milyon sa imprastraktura.

May 74 kalsada at 10 tulay ang hindi pa madaanan sa ngayon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble