NBI, agad na iimbestigahan ang umano’y mga pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts

NBI, agad na iimbestigahan ang umano’y mga pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts

AGAD na iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y mga pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts sa Mt. Makiling sa Los Baños, Laguna.

Ito ang tiniyak ni NBI OIC Medardo De Lemos matapos ang hiling ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa ahensya na imbestigahan ang kaso ng umano’y emotional, verbal, at sexual abuse sa paaralan.

Ayon kay De Lemos, ipinag-utos na niya ang pagbuo ng special team na sisiyasat dito.

Inatasan din aniya ang naturang team na magsumite ng report ukol sa isyu sa loob ng 7 araw.

Kaugnay nito, siniguro din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Duterte na magbibigay ang DOJ ng tulong sa pagtugon sa isyu.

Follow SMNI NEWS in Twitter