US Third Fleet Commander, bumisita sa BRP Antonio Luna

US Third Fleet Commander, bumisita sa BRP Antonio Luna

BUMISITA si US Third Fleet Commander at Combined Task Force Commander Vice Admiral Michael Boyle sa BRP Antonio Luna (FF151) na kasalukuyang nasa Hawaii para sa Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2022.

Tinanggap siya ni BRP Antonio Luna Commanding Officer Captain Charles Merric Villanueva.

Personal na humarap si Boyle sa mga miyembro ng Naval Task Group 80.5, kung saan pinasalamatan niya ang mga ito sa pakikibahagi sa pinakamalaking naval exercise sa mundo.

Isinagawa rin ang guestbook signing at pagbibigay ng mga memento bilang pasasalamat sa pagbisita ni Boyle sa pinakabagong missile-equipped frigate ng Philippine Navy.

Naniniwala ang Philippine Navy na ang partisipasyon nito sa RIMPAC ay magbibigay-daan sa kanilang mga tauhan upang makipagpalitan ng mga kasanayan at matuto mula sa pinakamahusay na hukbong-dagat sa mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter