KAKATAYIN ng Netherlands ang aabot sa 300 libong mga manok mula sa farm sa katimogang bahagi ng kanilang bansa.
Kasunod ito sa pagkaka-detect ng bird flu sa naturang bahagi ayon sa kanilang pamahalaan.
Nauna nang naiulat ang 30 kaso ng bird flu nitong Setyembre maliban pa sa 6 na milyong nakatay na ng Netherlands simula Oktubre 2021.
Maliban sa Netherlands, nakitaan na rin ang France ng pagtaas ng kaso ng bird flu sa unang bahagi ng 2022.