NTC, kumpiyansang ‘di na mapapalawig ang SIM registration

NTC, kumpiyansang ‘di na mapapalawig ang SIM registration

KUMPIYANSA ang National Telecommunications Commission (NTC) na posibleng ‘di na kailangang palawigin ang ibinigay na deadline sa SIM registration.

Ayon sa NTC, 9% o 14.86 milyong SIM na ang nakarehistro mula sa 169 milyong SIM na ginagamit sa bansa.

7.21 milyon ay mula sa Smart, 6.39 milyon sa Globe at 1.26 milyon ay mula sa Dito.

Mayroon namang ibinigay na 180 araw o mula nitong Disyembre 27, 2022 hanggang Abril 26, 2023 upang magparehistro.

Sakali rin namang hindi matapos ang pagrerehistro ay maaaring palawigin pa ito ng 120 araw ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Follow SMNI News on Twitter