Nueva Vizcaya, isinailalim sa state of calamity

Nueva Vizcaya, isinailalim sa state of calamity

ISINAILALIM ngayon sa state of calamity ang Nueva Vizcaya dahil sa malawakang pinsala na dala ng Bagyong Pepito.

Sa taya, nasa P2.6B ang halaga ng pinsala ng bagyo sa agrikultura; P252M sa imprastraktura; P9M sa irrigation systems; at mahigit P80M sa school buildings.

Ngayong nasa state of calamity na ang probinsiya, maaari nang gamitin ng provincial government at ng 15 local government units nito ang kanilang Local Disaster Risk Reduction Management funds para sa relief assistance at disaster response measures.

Maipatutupad na rin ang price freeze sa lahat ng pangunahing mga bilihin sa loob ng 60 araw.

Nobyembre 16 nang mag-landfall ang Bagyong Pepito sa probinsiya ng Aurora at Nobyembre 18 nang ito ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble