Obesity maaaring maging ganap na public health crisis sa India

Obesity maaaring maging ganap na public health crisis sa India

MAAARING maging ganap na public health crisis ang obesity sa bansang India kung hindi agad ito maaksiyunan ayon sa mga eksperto.

Batay sa inilathala ng Lancet Medical Journal, tinatayang isa sa bawat tatlong Indian ang magiging overweight pagsapit ng taong 2050.

Katumbas ito ng humigit-kumulang 450 milyong tao sa India.

Kung ito ay mangyayari, inaasahang magiging pangalawa na ang India kasunod ng China sa mga bansang may pinakamaraming overweight at obese na matatanda.

Sa ngayon ay hinimok na ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang buong bansa na magkaroon ng healthy lifestyle.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble