Online Licensure Exams, pinagpaplanuhan na ng CSC –Nograles

Online Licensure Exams, pinagpaplanuhan na ng CSC –Nograles

PINAGPAPLANUHAN na ni Civil Service Commission (CSC) chairperson Karlo Nograles at ng buong ahensiya ang pagkakaroon ng Online Licensure Exams.

Ayon kay Nograles, nais nilang i-adopt ang ginawang online at regionalized exam na unang ipinatupad ng Supreme Court (SC) at alisin na ang Civil Service Examinations – Pen and Paper Test.

Kung kaya’t nauna nang nagpadala si Nograles ng liham kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo at humiling ng pahintulot para sa pagsasagawa ng Online at Regionalized Bar Examinations.

Humingi rin ito ng suporta mula sa Supreme Court sa bagong pamamaraan sa pagkuha ng licensure exams.

Pinuri naman ni Nograles ang matagumpay na 2022 Bar Examination.

 

Follow SMNI News on Twitter