Outreach program ng NCRPO, nakatulong sa mababang bilang ng mga raliyista sa araw ng inagurasyon ni PBBM

Outreach program ng NCRPO, nakatulong sa mababang bilang ng mga raliyista sa araw ng inagurasyon ni PBBM

TINAPATAN ng outreach program ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga paghahanda ng mga progresibong grupo sa mismong araw ng inagurasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Batay sa impormasyon ng Philippine National Police (PNP), kakaunti lamang ang bilang ng mga dumalo mula sa mga raliyista sa Liwasang Bonifacio, Liwasang Dilao at Maging sa Plaza Miranda.

Naniniwala ang pamunuan ng NCRPO na malaki ang kanilang naitulong para hikayatin ang mga barangay sa Metro Manila na huwag tangkilikin ang alok o imbitasyon ng mga makakaliwang grupo para magrally sa inagurasyon ni PBBM.

Ilan sa mga ginawa ng mga tauhan ng Community Affairs Division ng ibat ibang Police Districts sa Metro Manila ay feeding program, livelihood training at community based activities upang gawing responsableng mamamayan ang mga ito.

Bahagi rin ng kanilang outreach program ang pag-iwas sa pagsali sa iba’t ibang progresibong pananaw laban sa gobyerno.

June 27, nang simulan ng NCRPO ang pagbisita sa iba’t ibang mga lugar sa Metro Manila upang ipaabot ang mga tulong ng pamahalaan sa mga komunidad.

Sa kabuuan, ikinatuwa ng NCRPO at buong hanay ng PNP ang maayos at mapayapang pagdaraos ng inagurasyon para sa bagong pangulo ng bansa.

“Everyone’s effort is highly appreciated and every role is significant in the success of this historic event,” ayon kay PMGen. Felipe Natividad, chief, NCRPO.

Sa kanyang pahayag, personal na ipinaabot ni PNP OIC LtGen. Vicente Danao Jr. ang kanyang pasasalamat sa mga kasamahan nito sa pambansang pulisya at sa lahat ng nakiisa sa kanilang pagbabantay at pagtitiyak na walang anumang karahasang nangyari sa araw ng pagpapalit ng kapangyarihan sa pamamahala sa bansa ni PBBM mula sa ngayo’y civilian Rodrigo Roa Duterte.

 “My congratulations to all of you for a very peaceful and successful conduct of PBBM’s inaugural address. No significant incident was noted during the said event. I also extend my congratulations to all the inter-agencies that made this well-coordinated national event a success. Indeed unity, cooperation, hard work and perseverance will always lead us to greater heights! Kudos to all of you. Thank you for all the support,”  pasasalamat ni PLtGen. Vicente Danao Jr. OIC, PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter