P1.6-B budget insertions sa DPWH, iniugnay kay Sen. Jinggoy

P1.6-B budget insertions sa DPWH, iniugnay kay Sen. Jinggoy

Naglagay umano si Sen. Jinggoy Estrada ng mahigit P1.6-bilyong halaga ng mga proyekto sa 2025 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa sinumpaang salaysay ni DPWH Programming Division Chief Engineer Peter Paul Cortez, kalat ang mga ito sa 16 na proyekto sa first at third district engineering offices sa Bulacan, gayundin sa NCR.

Paliwanag ni Cortez, lumitaw ang mga proyekto sa 2025 General Appropriations Act (GAA) kahit hindi ito kasama sa National Expenditure Program (NEP).

Nakita umano niya ang mga ito sa listahang ibinigay sa kaniya ng yumaong dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral upang ilagay sa database ng ahensiya.

Kasalukuyang nahaharap si Estrada sa P573-milyong plunder case kaugnay ng umano’y flood control project, na patuloy niyang itinatanggi.

Follow SMNI NEWS in Twitter