P14.64-M halaga ng marijuana, nasamsam sa Ifugao

P14.64-M halaga ng marijuana, nasamsam sa Ifugao

Nasamsam ng mga anti-narcotics operatives ang hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P14.64-M habang naaresto ang isang suspek sa buy-bust operation sa Viewpoint, Banaue, Ifugao nitong Nobyembre 17.

Kinilala ang naaresto sa alyas Edmond, 42-anyos, isang magsasaka at residente ng Liwan West, Rizal, Kalinga.

Nasamsam sa suspek ang apat na sako ng hinihinalang tuyong dahon at mga namumungang bahagi ng marijuana na nakabalot sa 118 bricks, at apat na tubular forms, na may kabuuang timbang na tinatayang 122 kilo.

Nasamsam din ang isang pickup truck na pinaniniwalaang ginamit sa pagdadala ng ilegal na marijuana.

Nasa kustodiya na ng PDEA-CAR ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter